Tunay na ako’y magpapatuloy, o Ama,
Sa aking pagtupad ng aking tungkulin.
Ako’y magtitiis sa aking gampanin,
Upang Ika’y aking paglingkuran.
Ama, sa Iyo lang ako aasa at pupuri;
Sa Iyo ako’y lalapit at mananatili.
O Ama, wala akong maipagmamalaki
Sa aking gampanin, Ika’y aking kakandili.
Pagpapagal ko nawa’y Iyong alalahanin
At ako’y Iyong tulungan sa aking gampanin.
Hindi ko magagawa kung wala Ka sa akin;
Oo, hindi ko matatapos ang aking takbuhin.
Ako’y inalipusta, sininraan, pinahirapan,
Ngunit ako’y nagtitiis, nanatili, nagpatuloy;
Hindi nawalan ang aking pag-asa sa Iyo,
At hindi lumihis sa Iyong tamang daan.
Tunay na ako’y magtatapat sa Iyo.
Nawa’y tulungan na makasunod ako
Sa Iyong mga Salita, akin nawa’y matanto
Upang ako’y lagi sa Iyo’y matuto.
-FM (August 7, 2011)
No comments:
Post a Comment