Ipinagtatapat ko sa Iyo
Na nadadaig ako sa mga tukso
Dito sa sanlibutan; na natutuyo
Ang aking mata kakaupo.
Ama, sa Iyo ako’y mananatili,
Tiyak ako’y Iyong mamahalin.
Ama, turuan mo akong ‘wag mapadaig
Yayamang ako’y Iyong bibigyang-ganti.
Pagpapala mo nawa’y maging akin,
Huwag ko sanang maangkin
Ang yaman sa mundo; huwag agawin
Ninoman ang Iyong pag-ibig sa akin.
Ama, sa Iyo ako’y huwag mahiwalay;
Huwag pahintulutan pag-ibig Mo’y mawalay.
Sana’y ang paglapit ko’y may saysay,
Upang sa Iyo ako’y makapanatili.
-July 10, 2011
No comments:
Post a Comment