Thursday, October 27, 2011

Lason Sa Bibig

Ang nasa ko’y gustong salitain
Lahat ng aking ibig na sabihin,
Subalit ako’y natatakot
Na baka ako’y madaya’t mahikayat.

Dila ko’y nakamamatay;
At sa pagsalita ko’y may mamatay,
O baka malison dahil sa walang lumanay
Sa pananalitang kumikitil ng buhay.

Tila ako’y naglilingkod sa Ama’t nagpupuri,
Sinasamba, dinadakila dahil sa aking labi;
Ngunit ako’y natatakot na ako’y masumpa
Dahil lang sa aking masamang pangungutya.

Magsisikap akong magbago;
Sa aking pananalita’y aking sinasamo
Sa Iyo, o Ama, tulungan Mo po
Ang Iyong abang lingkod na nangangako.

Aking itong gagamitin sa aking paglilingkod
At hindi sa anumang pagtatalikod;
Sa aking pananalita Ika’y malugod
Nang upang ang mga utos Mo’y masunod.

-FM (July 19, 2011)

No comments:

Post a Comment