Thursday, October 27, 2011

Materialistiko (August 11, 2011)

Ayoko nang mabuhay dito sa sanlibutan
Dahil ito’y punung-puno ng kasamaan.
Ako’y nalalapit sa kanilang mga kasalanan
Dahil sa sila’y away alisin ang kalayawan.

Tila’y hindi nagkakaisa ang mga tao ngayon,
Mula’t mula pa sa pasimula (mula noon).
Lahat sila’y nagugulumihanan, natatakot;
Hindi alam kung saan matatanto.

Idilat ko man ang aking mga mata,
Hindi lingid sa akin ang kanilang pagsinta
Dahil sa sila’y materialistiko. Meron yata
Silang binabalak sa akin ng masama.

Sana’y wala nang taong materialistiko,
Pero dapat itong mangyari sa mundo.
Hindi maiiwasan, kalimutan ko man,
Pero dapat itong mangyari man.

Ako’y hindi magiging materialistiko,
Kahit pa ako’y hamakin ng mga tao.
Hindi ako sasama sa takbo ng mundo,
Dahil ito’y pasama ng pasama, oo.

Materialistiko...
Ikaw nawa’y maalis sa aking buhay...

-FM (August 12, 2011)

No comments:

Post a Comment