Thursday, October 27, 2011

Kahit Anong Pagsubok, Mapapawi (August 13, 2011)

Aking mga pagsubok,
Magaan man o mabigat,
Hindi ko kayang sumabak
Kung wala Ka, o Ama sa langit.

Pananampalataya ko nawa’y dagdagan,
At huwag sana’y mapawi ni mawalan;
Bagkus ito’y aking magamit sa anumang
Pagsubok sa aking buhay araw-araw.

O huwag sana mawalan ang aking paninindigan,
Ni mawalan man ng aking pag-asa sa Iyo, o Ama.
Kailanma’y huwag akong masiraan ng kasayahan
Sa aking paglilingkod, merong pananampalataya.

Aking mga pagsubok, nawa’y aking
Pagtiisan, upang ako’y mamamalagi
Sa Iyo, sa aking paglilingkod na tapat;
Huwag sana akong manlupaypay.

Kung wala ang Ama sa aking tabi,
Hindi ko ito matatanggap,
Sapagkat ako’y hamak
Sa abang sarili.

-Fiber Melody (August 15, 2011)

No comments:

Post a Comment