Sa Sandaling sa akin Ika’y lumayo,
Ang payo’t gabay Mo’y lumaho;
Ang hirap ko’t kahirapan sa aki’y Iyong itinayo
Upang ako’y dumalangin sa Iyo.
Ang hirap mamuhay mag-isa
Kapag Ika’y wala.
Pawang problema sa aki’y natira;
Puro bagabag, kalikuan at kabiguan na.
Kaya’t patawarin Mo ako,
Kahabaga’t pag-ibig muli ang ipakita Mo;
Sa aking paglalakbay, alam Mo
Ang aking mga dinaranas dito sa mundo.
Kahabagan Mo ang Iyong abang lingkod;
Turuan Mong makasunod—
Sa Iyong mga utos, aking masunod
Upang Ika’y aking malugod.
Ang tagumpay ay nasa pagsunod
Hindi lamang sa sa salita o pagbubuod,
Kundi ito’y napapatunayan sa paggawa ng lingkod
Nang ang Diyos ay aking malugod.
-Fiber Melody
July 4, 2011
No comments:
Post a Comment