Monday, November 7, 2011

Isang Paraan Sa Kaligtasan (September 11, 2011)

Karamihan sa mga tao’y walang alam
Ang tungkol sa kaligtasan na mahalaga.
Hindi rin nila alam kung ano ang paraan
Tungo sa daan ng kaligtasan ng buhay.

Isang paraan talagang dapat gagawin
Upang ang isang tao ay huwag mapahamak.
Kung pumasok lang kay Cristo na Siyang pintuan,
Siya’y makakasama sa mga maliligtas.

Subalit hidwa ang pananampalataya
Na kanilang pinaniniwalaang tunay.
Ito’y si Cristo’y dapat sampalatayanan
‘Pang magkaroon ng pakikisama sa Kaniya.

Ang iba nama’y Cristiano raw silang tunay,
Subalit hindi naman napatutunayan;
Hindi maaaring sila’y maging Cristiano,
Dahil sila’y nagsasalita’t ‘di gumawa.

Anong pakikinabangin, mga kapatid,
Kung ang sinuman ay magsabi na siya’y mayroong
Pananampalataya, ngunit walang gawa,
Makapagliligtas baga sa kaniya iyan?

-Fiber Melody (September 14, 2011)

No comments:

Post a Comment