Monday, November 7, 2011

Ang Matino, Ang Banal

Sino ang matino at sino ang banal?
Sila’y mga tagapagalagang banal.
Bukod tangi sila ay magsasalita
Ng tungkol sa kabutihang ipinadala.

Ang matino ay hindi magiging mangmang,
Kundi sila ay matalino’t marangal.
Hindi kailanman sila pawang lalabag,
Dahil sila’y mga matino’t ‘di hangal.

Ang banal ay ‘di naaayon sa mundo
Dahil alam niya ito’y sa kasamaan.
Sila’y hindi kailanman magmomolestiya,
Ni mga mahihilig sa kalayawan.

Bakit ganito ang matino, ang banal?
At sila’y marangal, matino’t ‘di hangal?
At sila’y ‘di masama, ‘di molestiyador?
Bakit din sila pawang perpekto sa’tin?

-Fiber Melody (September 7, 2011)

No comments:

Post a Comment