Sino ba ang nag-ingat sa ating lahat?
Na tayo ay kaniyang pinatnubayan?
Sa milyung-milyong tao sa mundo,
Alam niya ba ang lagay ng kawan?
Oo, patnubay ang binigay sa kaniya
Ng makapangyarihang Diyos na biyaya.
Oo, binigyan din siya ng kapangyarihan
Na walang nakakatulad sa kaniya.
Maaari ninyong itanong, “Sino nga siya”?
Ang aking maisasagot, “Ang Pamamahala.”
Bakit ba ang Pamamahala’y walang sawa
Sa pag-aalaga sa Kawan ng Diyos?
Dahil sino nga ba siya?
Siya ang Pamamahala…
Ngayo’y sasapit na ang kaniyang kaarawan,
Kaya dapat tayong maghaing ng pasalamat;
‘Pagkat gabay ng Panginoo’y hindi wagas,
Kaya sa Panginoon tayo magpasalamat.
-Fiber Melody (November 7, 2011)
Monday, November 7, 2011
Sanlibutan (October 27, 2011)
Saan ba nagmumula ang kasamaan?
O kailan ito matatapos?
Ano bang parusa ang sasapit dito?
At paano ba tayo maliligtas?
Oo, kasamaa’y nagmula sa sanlibutan,
At walang lunas upang ito’y mawalan;
‘Pagkat ang mundo’y kubkob ng dilim
At ang liwanag ay hindi makita.
Kailanma’y ‘di matatapos yaong ligalig
‘Pagkat balot na sa dilim ang buong daigdig.
Wala nang makitang kaliwanagan—
Puro kadiliman ang makikita…
Parusa ng Diyos ang sasapit sa kanila,
‘Pagkat iniibig nila ang buong sanlibutan.
Sa Diyos sana nila inilaan
Ang pag-ibig na ‘di mawawala…
O mga kapatid, para tayo maligtas
Ay dapat tayong umiwas.
Sa sanlibutang puno ng kasamaan
‘Pagkat ito ay sinumpa ng Maylalang.
-Fiber Melody (November 4, 2011)
O kailan ito matatapos?
Ano bang parusa ang sasapit dito?
At paano ba tayo maliligtas?
Oo, kasamaa’y nagmula sa sanlibutan,
At walang lunas upang ito’y mawalan;
‘Pagkat ang mundo’y kubkob ng dilim
At ang liwanag ay hindi makita.
Kailanma’y ‘di matatapos yaong ligalig
‘Pagkat balot na sa dilim ang buong daigdig.
Wala nang makitang kaliwanagan—
Puro kadiliman ang makikita…
Parusa ng Diyos ang sasapit sa kanila,
‘Pagkat iniibig nila ang buong sanlibutan.
Sa Diyos sana nila inilaan
Ang pag-ibig na ‘di mawawala…
O mga kapatid, para tayo maligtas
Ay dapat tayong umiwas.
Sa sanlibutang puno ng kasamaan
‘Pagkat ito ay sinumpa ng Maylalang.
-Fiber Melody (November 4, 2011)
Ang Tunay Na Iglesia (October 23, 2011)
Ano ba ang kahulugan ng Iglesia?
Ito ba’y tulad ng ordinaryong simbahan
Na pinupuntahan ng maraming tao?
O ito’y isang sektang pangrelihiyon?
Ang Iglesia’y tunay na relihiyon
Dahil dito ang tao’y dapat pumasok.
Pero alin bang Iglesia ang tunay
Na dapat doo’y pumasok ang tao?
Sa loob ng Iglesia ni Cristo
Dapat doo’y pumasok ang mga tao.
‘Pagkat saang Iglesia dapat pumaroon
Kung iisa lamang ang tunay na Iglesia?
Kaya sa Iglesia ni Cristo’y pumasok na
Baka ang lahat ay mahuli pa…
Sa pagkakataong ito’y dapat na
Mamalagi sa loob ng Iglesia…
Bakit tayo dapat magtalaga?
Ano ba ang kahalagahan sa loob ng Iglesia?
Oo, sinasabi ko na sa inyo
Na ang kaligtasa’y sa loob ng Iglesia ni Cristo.
-Fiber Melody (November 2, 2011)
Ito ba’y tulad ng ordinaryong simbahan
Na pinupuntahan ng maraming tao?
O ito’y isang sektang pangrelihiyon?
Ang Iglesia’y tunay na relihiyon
Dahil dito ang tao’y dapat pumasok.
Pero alin bang Iglesia ang tunay
Na dapat doo’y pumasok ang tao?
Sa loob ng Iglesia ni Cristo
Dapat doo’y pumasok ang mga tao.
‘Pagkat saang Iglesia dapat pumaroon
Kung iisa lamang ang tunay na Iglesia?
Kaya sa Iglesia ni Cristo’y pumasok na
Baka ang lahat ay mahuli pa…
Sa pagkakataong ito’y dapat na
Mamalagi sa loob ng Iglesia…
Bakit tayo dapat magtalaga?
Ano ba ang kahalagahan sa loob ng Iglesia?
Oo, sinasabi ko na sa inyo
Na ang kaligtasa’y sa loob ng Iglesia ni Cristo.
-Fiber Melody (November 2, 2011)
Ang Pagsunod Ay aking Paglilingkod Sa Iyo (October 20, 2011)
Hindi ko pababayaan ang aking pagtupad
Dahil aking ito tutuparin sa aking pagsunod.
Wala akong magagawa kundi sumunod,
Sapagkat Ikaw ang dapat kong masunod.
Hindi ako magiging tamad sa’king pagsunod
Upang sa tubig ng kahirapa’y hindi malunod.
O Ama, tulungan Mo lang akong sumunod
Sapagkat ako’y Iyong aliping tagasunod.
-Fiber Melody (November 2, 2011)
Dahil aking ito tutuparin sa aking pagsunod.
Wala akong magagawa kundi sumunod,
Sapagkat Ikaw ang dapat kong masunod.
Hindi ako magiging tamad sa’king pagsunod
Upang sa tubig ng kahirapa’y hindi malunod.
O Ama, tulungan Mo lang akong sumunod
Sapagkat ako’y Iyong aliping tagasunod.
-Fiber Melody (November 2, 2011)
Maging Matatag (October 16, 2011)
Sa mundong ito, mga taong duwag,
Sumusubok, hindi naman matatag.
Alam nila’y payabanga’t galing,
Ngunit sa looba’y hindi makapalag.
Subalit ako’y magiging matatag—
Sa lahat ng oras, ako’y mananalig.
O Ama, ako’y bigyan Mo lang
Ng ganitong uring kaugalian.
-Fiber Melody (October 19, 2011)
Sumusubok, hindi naman matatag.
Alam nila’y payabanga’t galing,
Ngunit sa looba’y hindi makapalag.
Subalit ako’y magiging matatag—
Sa lahat ng oras, ako’y mananalig.
O Ama, ako’y bigyan Mo lang
Ng ganitong uring kaugalian.
-Fiber Melody (October 19, 2011)
Mabuting Pamumuhay (October 12, 2011)
Ako’y naabutan ng masamang pamumuhay,
Hindi alam kung ano ang mapupuntahan.
Subalit Diyos lamang ang alam kung nasaan
Ang aking landas sa mabuting pamumuhay.
Ako’y napahiya dahil sa akin ding sarili,
‘Pagkat ako’y namuhay sa maling gawi.
O, Ama, mahabag Ka sa Iyong lingkod,
Na ilakad Mo sa mabuting paglilingkod.
-Fiber Melody (October 16, 2011)
Hindi alam kung ano ang mapupuntahan.
Subalit Diyos lamang ang alam kung nasaan
Ang aking landas sa mabuting pamumuhay.
Ako’y napahiya dahil sa akin ding sarili,
‘Pagkat ako’y namuhay sa maling gawi.
O, Ama, mahabag Ka sa Iyong lingkod,
Na ilakad Mo sa mabuting paglilingkod.
-Fiber Melody (October 16, 2011)
Paninindigan Sa Lahat Ng Oras (October 8, 2011)
Bakit ba kinakailangan pang manindigan,
Kung maaaring sa tao’y pagtiwalaan?
Bakit ba dapat manindigan sa mga aral,
Kung maaaring sa Iglesiya’y manatili?
Ako’y walang anuman sa aking sarili,
Kung ang Diyos sa akin ay wala.
Ako ngayo’y nasa gitna ng pagdurusa,
At puro hinagpis aking nararamdaman.
Aking hiling na ako’y manindigan,
Sa lahat ng oras, ako’y mamalagi.
O, Ama, ako’y umaasa sa Iyo,
Na tulungan at patnubayan Mo nawa ako.
Ang kasamaa’y aking tatalikdan,
Iyong mga utos aking susundin.
Opo, Ama, nagkasala man ang Iyong lingkod,
Ngunit ako’y babalik upang mamalagi sa Iyo.
Pangako po, Ama…
Sa Iyo lamang…
Ako’y maninindigan…
Sa lahat ng oras…
-Fiber Melody (October 10, 2011)
Kung maaaring sa tao’y pagtiwalaan?
Bakit ba dapat manindigan sa mga aral,
Kung maaaring sa Iglesiya’y manatili?
Ako’y walang anuman sa aking sarili,
Kung ang Diyos sa akin ay wala.
Ako ngayo’y nasa gitna ng pagdurusa,
At puro hinagpis aking nararamdaman.
Aking hiling na ako’y manindigan,
Sa lahat ng oras, ako’y mamalagi.
O, Ama, ako’y umaasa sa Iyo,
Na tulungan at patnubayan Mo nawa ako.
Ang kasamaa’y aking tatalikdan,
Iyong mga utos aking susundin.
Opo, Ama, nagkasala man ang Iyong lingkod,
Ngunit ako’y babalik upang mamalagi sa Iyo.
Pangako po, Ama…
Sa Iyo lamang…
Ako’y maninindigan…
Sa lahat ng oras…
-Fiber Melody (October 10, 2011)
O Ama, Sana’y Dinggin ako (October 5, 2011)
Ako’y nanalangin sa Iyo, o Ama,
‘Pagkat ako’y nalulumbay na.
Ako’y nawawalan na ng pag-asa,
Kaya’t sana’y dinggin Mo na…
Ama, nagkasala ako, nagkulang…
Alam ko hindi ako mapapatawaran,
Ngunit alam Mong ako’y tao lamang…
Kaya tulungan Mo ako’t patawarin…
Susunod ako sa mga utos Mo
At lalayo ako sa mga kasalanan.
Kamataya’y akin nang napipinto
Ngunit Ikaw, Ikaw ang nandiyan.
‘Wag sana akong mapahamak,
Dahil lang sa isang maliit na sala.
‘Wag sana akong matiwalag,
Dahil lang sa isang masamang gawa.
Ngayon, o Ama, panalangi’y dinggin Mo
‘Pagkat dugo ko’y nababahid sa dumi.
Linisin Mo, turuan Mo, ipagkaloob Mo,
O Ama, sana’y dinggin Mo ako.
-Fiber Melody (October 6, 2011)
‘Pagkat ako’y nalulumbay na.
Ako’y nawawalan na ng pag-asa,
Kaya’t sana’y dinggin Mo na…
Ama, nagkasala ako, nagkulang…
Alam ko hindi ako mapapatawaran,
Ngunit alam Mong ako’y tao lamang…
Kaya tulungan Mo ako’t patawarin…
Susunod ako sa mga utos Mo
At lalayo ako sa mga kasalanan.
Kamataya’y akin nang napipinto
Ngunit Ikaw, Ikaw ang nandiyan.
‘Wag sana akong mapahamak,
Dahil lang sa isang maliit na sala.
‘Wag sana akong matiwalag,
Dahil lang sa isang masamang gawa.
Ngayon, o Ama, panalangi’y dinggin Mo
‘Pagkat dugo ko’y nababahid sa dumi.
Linisin Mo, turuan Mo, ipagkaloob Mo,
O Ama, sana’y dinggin Mo ako.
-Fiber Melody (October 6, 2011)
Mahalagang Moralidad (October 1, 2011)
Mahalagang masunod natin, magulang natin,
Kung sila’y mayroon matinding kailangan.
Halos hapit na hapit na sa paghahanap-buhay,
Oo, kung gayon, dapat silang tulungan.
Ang pagsunod ay hindi mahalaga,
Sa Diyos na buhay tayo’y masunurin.
Ibang iba Siya kaysa sa ating magulang
Dahil Siya’y may alam sa ating puso’t isipan.
Tayo’y magpakabanal, magpakasipag,
Pagiging masunuri’y ipagpauna…
Tayo’y makikita sa kahirapan,
Ngunit pagsunod ay ‘di mawawala.
Itong moralidad ay ating kamtin,
Dahil lahat halos ay wala ito.
Kung ating sisiyasatin ang mundo,
Ni katiting ay walang matino.
O kapatid, panaho’y ‘wag aksayahin,
Dahil wala nang natitirang panahon
Upang ipagpauna ang sariling kapakinabangan.
O halika, kapatid, tayo’y sumunod sa Panginoon.
-Fiber Melody (October 6, 2011)
Kung sila’y mayroon matinding kailangan.
Halos hapit na hapit na sa paghahanap-buhay,
Oo, kung gayon, dapat silang tulungan.
Ang pagsunod ay hindi mahalaga,
Sa Diyos na buhay tayo’y masunurin.
Ibang iba Siya kaysa sa ating magulang
Dahil Siya’y may alam sa ating puso’t isipan.
Tayo’y magpakabanal, magpakasipag,
Pagiging masunuri’y ipagpauna…
Tayo’y makikita sa kahirapan,
Ngunit pagsunod ay ‘di mawawala.
Itong moralidad ay ating kamtin,
Dahil lahat halos ay wala ito.
Kung ating sisiyasatin ang mundo,
Ni katiting ay walang matino.
O kapatid, panaho’y ‘wag aksayahin,
Dahil wala nang natitirang panahon
Upang ipagpauna ang sariling kapakinabangan.
O halika, kapatid, tayo’y sumunod sa Panginoon.
-Fiber Melody (October 6, 2011)
Defenders Of Faith (September 29, 2011)
Nobody likes not to be cured from sickness,
Nor be left alone in a place full of sadness.
We want to be comforted; to be defended…
But, sad to say, we are not being molded.
But what is the importance of defending?
Especially when someone’s in danger?
What do we get when we protect them?
Especially when someone needs some?
Not I, for I defend my faith given me…
I will never lose it, nor exchange it…
I will treasure it, put it in my heart…
For it will never be stolen, nor broken…
Why can’t you defend your faith, dear brethren?
If your tears roll, your heart falls, your head aches,
Why can’t you call unto the Almighty One?
You are chosen, then why have you fallen down?
Be strong, be courageous, stand still, my brothers!
Be meek, be determined, calm down, my sisters!
All I want to say is you to be faithful!
Look! Our enemies are coming! Defend your faith!
-Fiber Melody (October 6, 2011)
Nor be left alone in a place full of sadness.
We want to be comforted; to be defended…
But, sad to say, we are not being molded.
But what is the importance of defending?
Especially when someone’s in danger?
What do we get when we protect them?
Especially when someone needs some?
Not I, for I defend my faith given me…
I will never lose it, nor exchange it…
I will treasure it, put it in my heart…
For it will never be stolen, nor broken…
Why can’t you defend your faith, dear brethren?
If your tears roll, your heart falls, your head aches,
Why can’t you call unto the Almighty One?
You are chosen, then why have you fallen down?
Be strong, be courageous, stand still, my brothers!
Be meek, be determined, calm down, my sisters!
All I want to say is you to be faithful!
Look! Our enemies are coming! Defend your faith!
-Fiber Melody (October 6, 2011)
Hanggang Sa Wakas (September 25, 2011)
Hindi ako sumusuntok sa hangin,
Ni tumatakbo na walang paroroonan.
Ako’y tumatakbong may hangganan,
Dahil alam kong ako’y nasa tamang daan.
Hindi totoong pare-pareho lang tayo
Ng relihiyon, dahil sa akin ay totoo.
Ang pagkakaiba, kung makita mo,
Ay iyong malalaman na sa’ki’y totoo.
Ako’y tatakbo hanggang sa wakas,
Kahit mabagal man o mabilis;
Hindi ako titigil ni uurong ng labis,
Dahil alam kong ako’y maliligtas!
Ipakikita ko sa iyo ang ating pagkakaiba—
Sa pag-uugali, sa pamumuhay, sa pagdadala
Ng sarili; oo, gusto ko lang maipakita sa iyo
Na sa akin ay tama at sa iyo’y nasa liko.
Kaya’t halika na, sumama ka sa amin,
Sapagkat alam kong tayo’y nasa daan
Ng kaligtasan. Oo, aking mga kakilala,
Doon tayo hanngang sa wakas.
-Fiber Melody (September 28, 2011)
Ni tumatakbo na walang paroroonan.
Ako’y tumatakbong may hangganan,
Dahil alam kong ako’y nasa tamang daan.
Hindi totoong pare-pareho lang tayo
Ng relihiyon, dahil sa akin ay totoo.
Ang pagkakaiba, kung makita mo,
Ay iyong malalaman na sa’ki’y totoo.
Ako’y tatakbo hanggang sa wakas,
Kahit mabagal man o mabilis;
Hindi ako titigil ni uurong ng labis,
Dahil alam kong ako’y maliligtas!
Ipakikita ko sa iyo ang ating pagkakaiba—
Sa pag-uugali, sa pamumuhay, sa pagdadala
Ng sarili; oo, gusto ko lang maipakita sa iyo
Na sa akin ay tama at sa iyo’y nasa liko.
Kaya’t halika na, sumama ka sa amin,
Sapagkat alam kong tayo’y nasa daan
Ng kaligtasan. Oo, aking mga kakilala,
Doon tayo hanngang sa wakas.
-Fiber Melody (September 28, 2011)
Love Letter
Dear God,
I want to thank Your love
And kindness to me.
When I get sinned,
You forgive me; when I go back
To you, you accept me.
I don’t know how much I would
Ever thank You. This is what I
Will show You—my letter.
Oh God,
I’m asking for Your forgiveness,
For I have sinned not twice but many
Times I have failed to comply with You.
Please help me God how to pray
And on how to love You back
Without any dark side of mine.
Please, God, accept my letter.
Your dear loving son.
-Fiber Melody (September 22, 2011)
I want to thank Your love
And kindness to me.
When I get sinned,
You forgive me; when I go back
To you, you accept me.
I don’t know how much I would
Ever thank You. This is what I
Will show You—my letter.
Oh God,
I’m asking for Your forgiveness,
For I have sinned not twice but many
Times I have failed to comply with You.
Please help me God how to pray
And on how to love You back
Without any dark side of mine.
Please, God, accept my letter.
Your dear loving son.
-Fiber Melody (September 22, 2011)
Ang Huwad Na Pananampalataya (September 17, 2011)
Hindi lahat ng tao ay sumasamba
Sa diyus-diyosan. Mayroon sa iba
Na napagkakamalan na ginagawa
Nilang katulad ng ginagawa nila.
Akala nating Iglesia Katolika
At ng Iglesia Protestante lang
Ang gumagawa ng ganoong
Bagay na hindi natin inaasahan.
Hindi natin alam na tayo rin ay
Maaaring ituring na mga pagano.
Kung tayo ay gumagawa tulad nila’y
Tayo ay magiging kalaban ng Diyos.
Ang hindi sumusunod sa utos ng Diyos
Ay tulad sa mga sumasampalatayang
Walang namang mga gawa, sapagkat
Hindi tayo ipinanganak na ganoon.
Tayo ay humingi ng tulong sa Kaniya
Kung tayo man ay nasumpungan sa
Gayong kalagayan. Humiwalay na
Tayo sa mga gawang kalikuan.
-Fiber Melody (September 20, 2011)
Sa diyus-diyosan. Mayroon sa iba
Na napagkakamalan na ginagawa
Nilang katulad ng ginagawa nila.
Akala nating Iglesia Katolika
At ng Iglesia Protestante lang
Ang gumagawa ng ganoong
Bagay na hindi natin inaasahan.
Hindi natin alam na tayo rin ay
Maaaring ituring na mga pagano.
Kung tayo ay gumagawa tulad nila’y
Tayo ay magiging kalaban ng Diyos.
Ang hindi sumusunod sa utos ng Diyos
Ay tulad sa mga sumasampalatayang
Walang namang mga gawa, sapagkat
Hindi tayo ipinanganak na ganoon.
Tayo ay humingi ng tulong sa Kaniya
Kung tayo man ay nasumpungan sa
Gayong kalagayan. Humiwalay na
Tayo sa mga gawang kalikuan.
-Fiber Melody (September 20, 2011)
What The Right Path Is (September 15, 2011)
How do one lead people in a right way:
Is it going to the right way,
Or to the opposite way?
Or is it between those ways?
What is right path is the path of Holy,
Even though there are many paths to choose…
What is right is what is good,
Although many claim that they are true…
Let us not be fooled going in a bad manner,
But we should all go further.
Going to a path so wobbly and wider,
We should know the truth.
-Fiber Melody (September 20, 2011)
Is it going to the right way,
Or to the opposite way?
Or is it between those ways?
What is right path is the path of Holy,
Even though there are many paths to choose…
What is right is what is good,
Although many claim that they are true…
Let us not be fooled going in a bad manner,
But we should all go further.
Going to a path so wobbly and wider,
We should know the truth.
-Fiber Melody (September 20, 2011)
Isang Paraan Sa Kaligtasan (September 11, 2011)
Karamihan sa mga tao’y walang alam
Ang tungkol sa kaligtasan na mahalaga.
Hindi rin nila alam kung ano ang paraan
Tungo sa daan ng kaligtasan ng buhay.
Isang paraan talagang dapat gagawin
Upang ang isang tao ay huwag mapahamak.
Kung pumasok lang kay Cristo na Siyang pintuan,
Siya’y makakasama sa mga maliligtas.
Subalit hidwa ang pananampalataya
Na kanilang pinaniniwalaang tunay.
Ito’y si Cristo’y dapat sampalatayanan
‘Pang magkaroon ng pakikisama sa Kaniya.
Ang iba nama’y Cristiano raw silang tunay,
Subalit hindi naman napatutunayan;
Hindi maaaring sila’y maging Cristiano,
Dahil sila’y nagsasalita’t ‘di gumawa.
Anong pakikinabangin, mga kapatid,
Kung ang sinuman ay magsabi na siya’y mayroong
Pananampalataya, ngunit walang gawa,
Makapagliligtas baga sa kaniya iyan?
-Fiber Melody (September 14, 2011)
Ang tungkol sa kaligtasan na mahalaga.
Hindi rin nila alam kung ano ang paraan
Tungo sa daan ng kaligtasan ng buhay.
Isang paraan talagang dapat gagawin
Upang ang isang tao ay huwag mapahamak.
Kung pumasok lang kay Cristo na Siyang pintuan,
Siya’y makakasama sa mga maliligtas.
Subalit hidwa ang pananampalataya
Na kanilang pinaniniwalaang tunay.
Ito’y si Cristo’y dapat sampalatayanan
‘Pang magkaroon ng pakikisama sa Kaniya.
Ang iba nama’y Cristiano raw silang tunay,
Subalit hindi naman napatutunayan;
Hindi maaaring sila’y maging Cristiano,
Dahil sila’y nagsasalita’t ‘di gumawa.
Anong pakikinabangin, mga kapatid,
Kung ang sinuman ay magsabi na siya’y mayroong
Pananampalataya, ngunit walang gawa,
Makapagliligtas baga sa kaniya iyan?
-Fiber Melody (September 14, 2011)
Ang Matino, Ang Banal
Sino ang matino at sino ang banal?
Sila’y mga tagapagalagang banal.
Bukod tangi sila ay magsasalita
Ng tungkol sa kabutihang ipinadala.
Ang matino ay hindi magiging mangmang,
Kundi sila ay matalino’t marangal.
Hindi kailanman sila pawang lalabag,
Dahil sila’y mga matino’t ‘di hangal.
Ang banal ay ‘di naaayon sa mundo
Dahil alam niya ito’y sa kasamaan.
Sila’y hindi kailanman magmomolestiya,
Ni mga mahihilig sa kalayawan.
Bakit ganito ang matino, ang banal?
At sila’y marangal, matino’t ‘di hangal?
At sila’y ‘di masama, ‘di molestiyador?
Bakit din sila pawang perpekto sa’tin?
-Fiber Melody (September 7, 2011)
Sila’y mga tagapagalagang banal.
Bukod tangi sila ay magsasalita
Ng tungkol sa kabutihang ipinadala.
Ang matino ay hindi magiging mangmang,
Kundi sila ay matalino’t marangal.
Hindi kailanman sila pawang lalabag,
Dahil sila’y mga matino’t ‘di hangal.
Ang banal ay ‘di naaayon sa mundo
Dahil alam niya ito’y sa kasamaan.
Sila’y hindi kailanman magmomolestiya,
Ni mga mahihilig sa kalayawan.
Bakit ganito ang matino, ang banal?
At sila’y marangal, matino’t ‘di hangal?
At sila’y ‘di masama, ‘di molestiyador?
Bakit din sila pawang perpekto sa’tin?
-Fiber Melody (September 7, 2011)
Bato Sa Dalampasigan (September 1, 2011)
Sa sikat ng araw, ako’y nakatayo;
Ako’y nanlulumo, puno ng silakbo.
‘Di tatahimik, umagos man ang ulan,
Ako’y nananahan sa dalampasigan.
Ulan man o araw, ‘di ako lalayo
Dahil sa bato ako ay nakatayo.
Minamasdan ko ang bawat pagibayo
Ng langit at lupa; ng tubig o bagyo.
Ibang-iba ako sa maraming bato,
Dahil ako’y makinis, ‘di nanlulumo.
Datapuwat, isang bagay lang ang hiling ko—
Ako’y maging karapat-dapat na bato.
-Fiber Melody (September 3, 2011)
Ako’y nanlulumo, puno ng silakbo.
‘Di tatahimik, umagos man ang ulan,
Ako’y nananahan sa dalampasigan.
Ulan man o araw, ‘di ako lalayo
Dahil sa bato ako ay nakatayo.
Minamasdan ko ang bawat pagibayo
Ng langit at lupa; ng tubig o bagyo.
Ibang-iba ako sa maraming bato,
Dahil ako’y makinis, ‘di nanlulumo.
Datapuwat, isang bagay lang ang hiling ko—
Ako’y maging karapat-dapat na bato.
-Fiber Melody (September 3, 2011)
Subscribe to:
Posts (Atom)