Monday, November 7, 2011

Sino Nga Siya? (October 30, 2011)

Sino ba ang nag-ingat sa ating lahat?
Na tayo ay kaniyang pinatnubayan?
Sa milyung-milyong tao sa mundo,
Alam niya ba ang lagay ng kawan?

Oo, patnubay ang binigay sa kaniya
Ng makapangyarihang Diyos na biyaya.
Oo, binigyan din siya ng kapangyarihan
Na walang nakakatulad sa kaniya.

Maaari ninyong itanong, “Sino nga siya”?
Ang aking maisasagot, “Ang Pamamahala.”
Bakit ba ang Pamamahala’y walang sawa
Sa pag-aalaga sa Kawan ng Diyos?

Dahil sino nga ba siya?
Siya ang Pamamahala…

Ngayo’y sasapit na ang kaniyang kaarawan,
Kaya dapat tayong maghaing ng pasalamat;
‘Pagkat gabay ng Panginoo’y hindi wagas,
Kaya sa Panginoon tayo magpasalamat.

-Fiber Melody (November 7, 2011)

Sanlibutan (October 27, 2011)

Saan ba nagmumula ang kasamaan?
O kailan ito matatapos?
Ano bang parusa ang sasapit dito?
At paano ba tayo maliligtas?

Oo, kasamaa’y nagmula sa sanlibutan,
At walang lunas upang ito’y mawalan;
‘Pagkat ang mundo’y kubkob ng dilim
At ang liwanag ay hindi makita.

Kailanma’y ‘di matatapos yaong ligalig
‘Pagkat balot na sa dilim ang buong daigdig.
Wala nang makitang kaliwanagan—
Puro kadiliman ang makikita…

Parusa ng Diyos ang sasapit sa kanila,
‘Pagkat iniibig nila ang buong sanlibutan.
Sa Diyos sana nila inilaan
Ang pag-ibig na ‘di mawawala…

O mga kapatid, para tayo maligtas
Ay dapat tayong umiwas.
Sa sanlibutang puno ng kasamaan
‘Pagkat ito ay sinumpa ng Maylalang.

-Fiber Melody (November 4, 2011)

Ang Tunay Na Iglesia (October 23, 2011)

Ano ba ang kahulugan ng Iglesia?
Ito ba’y tulad ng ordinaryong simbahan
Na pinupuntahan ng maraming tao?
O ito’y isang sektang pangrelihiyon?

Ang Iglesia’y tunay na relihiyon
Dahil dito ang tao’y dapat pumasok.
Pero alin bang Iglesia ang tunay
Na dapat doo’y pumasok ang tao?

Sa loob ng Iglesia ni Cristo
Dapat doo’y pumasok ang mga tao.
‘Pagkat saang Iglesia dapat pumaroon
Kung iisa lamang ang tunay na Iglesia?

Kaya sa Iglesia ni Cristo’y pumasok na
Baka ang lahat ay mahuli pa…
Sa pagkakataong ito’y dapat na
Mamalagi sa loob ng Iglesia…

Bakit tayo dapat magtalaga?
Ano ba ang kahalagahan sa loob ng Iglesia?
Oo, sinasabi ko na sa inyo
Na ang kaligtasa’y sa loob ng Iglesia ni Cristo.

-Fiber Melody (November 2, 2011)

Ang Pagsunod Ay aking Paglilingkod Sa Iyo (October 20, 2011)

Hindi ko pababayaan ang aking pagtupad
Dahil aking ito tutuparin sa aking pagsunod.
Wala akong magagawa kundi sumunod,
Sapagkat Ikaw ang dapat kong masunod.

Hindi ako magiging tamad sa’king pagsunod
Upang sa tubig ng kahirapa’y hindi malunod.
O Ama, tulungan Mo lang akong sumunod
Sapagkat ako’y Iyong aliping tagasunod.

-Fiber Melody (November 2, 2011)

Maging Matatag (October 16, 2011)

Sa mundong ito, mga taong duwag,
Sumusubok, hindi naman matatag.
Alam nila’y payabanga’t galing,
Ngunit sa looba’y hindi makapalag.

Subalit ako’y magiging matatag—
Sa lahat ng oras, ako’y mananalig.
O Ama, ako’y bigyan Mo lang
Ng ganitong uring kaugalian.

-Fiber Melody (October 19, 2011)

Mabuting Pamumuhay (October 12, 2011)

Ako’y naabutan ng masamang pamumuhay,
Hindi alam kung ano ang mapupuntahan.
Subalit Diyos lamang ang alam kung nasaan
Ang aking landas sa mabuting pamumuhay.

Ako’y napahiya dahil sa akin ding sarili,
‘Pagkat ako’y namuhay sa maling gawi.
O, Ama, mahabag Ka sa Iyong lingkod,
Na ilakad Mo sa mabuting paglilingkod.

-Fiber Melody (October 16, 2011)

Paninindigan Sa Lahat Ng Oras (October 8, 2011)

Bakit ba kinakailangan pang manindigan,
Kung maaaring sa tao’y pagtiwalaan?
Bakit ba dapat manindigan sa mga aral,
Kung maaaring sa Iglesiya’y manatili?

Ako’y walang anuman sa aking sarili,
Kung ang Diyos sa akin ay wala.
Ako ngayo’y nasa gitna ng pagdurusa,
At puro hinagpis aking nararamdaman.

Aking hiling na ako’y manindigan,
Sa lahat ng oras, ako’y mamalagi.
O, Ama, ako’y umaasa sa Iyo,
Na tulungan at patnubayan Mo nawa ako.

Ang kasamaa’y aking tatalikdan,
Iyong mga utos aking susundin.
Opo, Ama, nagkasala man ang Iyong lingkod,
Ngunit ako’y babalik upang mamalagi sa Iyo.

Pangako po, Ama…
Sa Iyo lamang…
Ako’y maninindigan…
Sa lahat ng oras…

-Fiber Melody (October 10, 2011)